^

Metro

BI employees off-limits sa coffee shops at resto

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Binalaan ni Bureau of Immigration officer-in-charge Ronaldo Ledesma ang mga kawani ng ahensiya sa pag-iistambay sa mga restaurant at coffee shops na malapit sa BI main office  sa Intramuros, Maynila.

Batay ito sa Memorandum Order ni Ledesma na nagbabawal sa sinumang empleyado at opisyal ng ahensya na lalabag sa kautusan kung saan ay may katapat na parusang suspensyon o dismissal sa serbisyo maliban pa sa paglabag sa Civil Service Rules And Regulations.

Ang naturang memorandum ay bunsod ng mga nakarating na ulat kay Ledesma na may ilang tiwaling empleyado at opis­yal ng BI na ginagamit sa iligal na pakikipag-transak­syon ang mga coffe­e shops at restaurants.

Sinasabing sa mga coffee shops at restaurants din kadalasang nagkikita umano ang mga ‘fixer’ at mga tiwaling kawani o opis­yal ng BI.

Sa nasabing kautusan, pinapayagan na ma­kita ang presensiya ng mga empleyado ng BI sa coffee shops at restaurants sa main office area ng ahensya sa Intramuros mula alas-7 ng umaga hanggang alas-12 ng tang­hali at ala-una ng hapon hanggang alas-5 ng hapon.

BATAY

BINALAAN

BUREAU OF IMMIGRATION

CIVIL SERVICE RULES AND REGULATIONS

INTRAMUROS

LEDESMA

MAYNILA

MEMORANDUM ORDER

RONALDO LEDESMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with