^

Metro

Hapones nilooban, kritikal sa saksak

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines –  Nasa kritikal na kalagayan ang isang Japanese national matapos pasukin ang condominium nito  at pagsasak­sakin ng dalawa sa tatlong suspect sa Pasay City kama­kalawa ng gabi.

Isinugod sa San Juan de Dios Hospital ang biktimang si Shoji Usami, 60, taxi ope­rator at residente sa isang condominium sa M. de Jesus St., ng nabanggit na lungsod. Nagtamo ito ng ilang saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan. 

Kinilala naman ni  P/Chief Inspector Victor Pagulayan, hepe ng Intelligence Unit (IU) ng Pasay City Police ang tatlong suspek na na­dakip  na sina Michael Villa “alias Taba”, 22; Jay-R Villuan, 24; at Marilyn Borromeo, 32.

Sa imbestigasyon ng pu­lisya, naganap ang in­si­dente dakong alas-9 ng gabi sa tinitirahang condo ng biktima sa nabanggit na lugar habang nagpapahinga ang biktima, nang biglang pumasok ang dalawang suspek at walang sabi-sabing inundayan ito ng mga saksak sa katawan. Habang si Borromeo naman ay nagsilbing look-out.

Nagawa pang makatakbo ng biktima at makahingi ng tulong sa kanyang anak na si Ryota Usami, 16, na agad namang nagsisigaw kaya’t nakatawag ng pansin sa mga istambay sa labas na naging daan upang madakip ang mga suspect.

Hindi pa malinaw kung ano ang motibo sa pananak­sak gayunman, malaki ang paniwala ng pulisya na posibleng pagnanakawan ang naturang dayuhan.

CHIEF INSPECTOR VICTOR PAGULAYAN

DIOS HOSPITAL

INTELLIGENCE UNIT

JAY-R VILLUAN

JESUS ST.

MARILYN BORROMEO

MICHAEL VILLA

PASAY CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with