^

Metro

Shootout: 2 karnaper bulagta

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines –  Patay ang dalawang hini­hinalang karnaper nang makipagpalitan ng putok sa mga tauhan ng pulisya matapos na balewalain ng mga una ang itinatag na checkpoint kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Walang nakuhang anumang pagkakaki­lanlan sa mga nasawi.

Ayon kay  Sr. Supt. Jude Wilson Santos, hepe ng Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong alas-2:30 ng umaga sa Shelter­ville Subdivision, Barangay 171, Camarin ng nasabing lungsod.

Nabatid na kasalukuyang nagsasagawa ng checkpoint ang mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 18 ng Sub-Station 5 ng Caloocan City Police, nang mapadaan dito ang mga suspek na sakay ng isang motorsiklo.

Sa halip na huminto ay pinaarangkada ng mga suspek ang kanilang sina­sak­yan dahilan upang ha­bulin ang mga ito ng mga tauhan ng PCP 18 kung saan ay agad na nagpaputok ang dalawang suspect.

Dahil dito, napilitang gumanti ng putok ang mga pulis na naging dahilan ng pagbulagta ng dalawa na pinaniniwalaang karnaper.

Narekober malapit sa bangkay ng mga suspek ang dalawang kalibre .38 baril at isang nakaw na motorsiklo na umano’y pag-aari ng isang nagngangalang Vernel Escalicas, taga- Marilao, Bulacan.

Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga napatay na suspek at kung anong grupo miyembro ang mga ito.

vuukle comment

AYON

BULACAN

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

JUDE WILSON SANTOS

POLICE COMMUNITY PRECINCT

SR. SUPT

VERNEL ESCALICAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with