^

Metro

Bebot hinostage, patay sa ka-live-in

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines –  Trahedya ang kinasapitan ng may isang oras na pangho-hostage ng isang lalaki sa kanyang live-in partner makaraang mapatay ang babae sa saksak bago pa man puwersahang mapasuko ng mga awtoridad, kamakalawa ng hapon sa Marikina City.

Hindi na nailigtas sa ka­ma­tayan ang biktimang si Rosa­linda Aquino, 43, na nag­tamo ng iba’t ibang tama ng saksak sa buong katawan.

Habang nakadetine na ngayon sa Marikina detention cell ang dating kinakasama na si Elpidio Mabahin, 42, ng Bonifacio Avenue, Brgy. Barangka, ng naturang lungsod.  Sinampahan na rin ng Marikina police ng kasong murder si Mabahin.

Sa ulat ng Marikina police, naganap ang hostage-drama dakong alas-3:30 kamaka­lawa ng hapon sa loob ng banyo ng kanilang tinutuluyang bahay.  Nabatid na naburyong umano ang suspek na si Mabahin dahil sa hindi makausap ang kanyang dalagitang anak na nasa pangangalaga ng lokal na Department of Social Welfare and Development (DSWD) nang maging biktima umano ng panggagahasa.

Rumesponde naman ang mga tauhan ng Marikina City Police at Rescue 161 kung saan isang negosasyon ang isinagawa upang mapakawalan ng suspek ang kanyang kinakasama. Habang nasa gitna ng negosasyon, nagduda ang mga awtoridad nang biglang tumahimik ang suspek at si Aquino.  Dito na binomba ng tubig ng fire truck ang naturang banyo kung saan tumambad ang duguang si Aquino.

Nanlaban pa umano si Mabahin sa mga umaares­tong pulis kung saan nakumpiska sa kanya ang isang bread knife na ginamit nito sa pananaksak sa kinakasama.

AQUINO

BARANGKA

BONIFACIO AVENUE

BRGY

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

ELPIDIO MABAHIN

HABANG

MABAHIN

MARIKINA CITY

MARIKINA CITY POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with