^

Metro

Beybi patay sa bigti ng ina

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines –  Patay ang isang bagong silang na sanggol matapos bigtihin ng electrical cord ng kanyang sariling ina na nagkaroon umano ng problema sa pag-iisip dahil sa kahirapan sa buhay, sa Sta. Mesa, Maynila kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Insp. Armado Macaraeg, hepe ng MPD-Homicide Section ang biktima na si Mharyl Joy Belarmino, 13-days old ng J. Panganiban St., Sta. Mesa, Maynila.

Ginagamot naman sa De Ocampo Memorial Hospital ang suspect na ina na si May Ann Belarmino, 26, na nagtangka ring magpakamatay sa pamamagitan ng paglalaslas sa pulso.

Sa ulat ni SPO2  Henry Ig­nacio­ dakong alas-8 ng gabi nang maganap ang insidente sa 2nd floor ng inuupahang bahay ng kuya ni May Ann.

Ayon sa salaysay ni Jeorge Belarmino, 35, isang dental technician, duma­ting umano siya sa bahay buhat sa trabaho at nakita na lamang na may dugo sa kinahihigaan ng sanggol na pamangkin, habang ang suspect naman ay nakitang may laslas at duguan ang kaliwang pulso.

Ang beybi ay nakakitaan din ng mga sugat sa kaliwa at kanang tuhod at marka ng sakal sa leeg.

Hinihinalang binigti muna ang kanyang anak bago nagtangkang magpakamatay ang ina.

Nabatid na dati na ring nagtangkang magpakamatay si May Ann subalit naagapan naman.

Inamin naman ni Belar­mino na may deprensiya sa pag-iisip ang suspect kung saan na-confine ito sa Kadlan Mental Hospital sa Naga City at na-discharge nito lamang April 2010.

Nabatid na kinuha pa ng kanyang kuyang si Jeorge ang biktima sa lalawigan upang sa Maynila manganak at para tulungan dahil sa kahirapan ng buhay.

Binabantayan ng pulisya sa De Ocampo Memorial Hospital ang suspect na pinag-aaralang kasuhan ng parricide dahil sa pagpatay sa anak.

ARMADO MACARAEG

DE OCAMPO MEMORIAL HOSPITAL

HENRY IG

HOMICIDE SECTION

JEORGE BELARMINO

KADLAN MENTAL HOSPITAL

MAY ANN

MAY ANN BELARMINO

MAYNILA

MHARYL JOY BELARMINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with