Children's Playground sa Luneta, bukas na
MANILA, Philippines - Kung hindi man makakayanan ng isang padre de pamilya ang mamahaling entrance fee at rides sa mga kilalang pasyalan ngayong Kapaskuhan, bukas na ang pinagandang Children’s playground sa Rizal Park na tiyak na magugustuhan sa barya lamang na entrance fee.
Sa halagang P10 ay hindi aaray ang bulsa, kapalit ng sayang maidudulot sa mga kabataan tulad ng may 1,500 mga bata mula sa iba’t-ibang social services sa Metro Manila sa pagbubukas kahapon ng newly renovated Rizal Park Children’s Playground sa Ermita, Maynila.
Ang mga batang dumalo ay nagmula sa Manila day care center, Hospicio de San Jose at Asilo de San Vicente de Paul.
Ayon kay National Parks Development Committee (NDPC) Executive Director Juliet Villegas, ang pagpapaganda at pagsasaayos sa nasabing playground ay parte lamang ng unang hakbang ng NPDC’s ongoing renovation at makeover ng Rizal park ay upang maibalik ang dating sigla kung saan isa ang nasabing parke na siyang humihikayat at umaakit sa ilang mga banyagang bisita at turista sa bansa.
Makikita sa bagong playground ang ibat-ibang uri ng pre-historic dinosaurs, mga hayop at giant shoe house, ang artificial replica ng Mayon Volcano, falls at bridges, slides, swing at iba’t ibang species ng puno at halaman.
Ipinaliwanang ni Villegas, na bukod sa Department of Tourism (DOT) at NPDC management ay hindi magagawa ang nasabing renovation kung wala ang tulong ng ilang volunteers mula sa iba’t ibang sector tulad ng mga estudyante, Rizal park stakeholders at DOT.
- Latest
- Trending