^

Metro

16 'kuliglig' drivers kinasuhan

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Isinailalim na sa inquest proceeding sa Manila Pro­secutor’s Office ang  16 na   kuliglig drivers at nakisawsaw n­a militanteng grupo na kumokontra sa pagpapatupad ng Executive Orders Nos. 16 at 17 at dahil sa pambabato at panggugulo sa isinagawang kilos-protesta sa harapan ng Manila City Hall sa Ermita, Maynila, kahapon ng hapon.

Mga  kasong illegal assembly, obstruction at assault ang inihain sa 16 na driver ng kuliglig at isang babae na may karga pang anak na inaresto ng mga awtoridad.

Nilinaw naman ni Manila Mayor Alfredo Lim na hindi naman nagkaroon ng labis na puwersa sa dispersal dahil nagkaroon pa ng negosasyon subalit nanguna ang mga raliyista na mambato na ikinasugat ng maraming pulis.

Nanindigan din si Lim sa ipinalabas na kautusan laban sa mga kuliglig, na sentro umano ng reklamo ng ibang motorista.

Sinisi pa ni Lim ang ilang militanteng grupo sa panunulsol sa mga kuliglig driver na mag-rally.

ERMITA

EXECUTIVE ORDERS NOS

ISINAILALIM

MANILA CITY HALL

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

MANILA PRO

MAYNILA

NANINDIGAN

NILINAW

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with