^

Metro

'Kuliglig' ginagamit sa holdap

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Bukod sa dulot na pagsi­sikip sa daloy ng trapiko, ibi­nunyag ng ilang opisyal  ng Manila City Hall na kada­lasang ginagamit sa holdap ang  mga kuliglig  kung kaya’t  dapat lamang na  ipagbawal.

Ayon sa opisyal, ang mga  kuliglig driver mismo ang siyang  taga-monitor ng kanilang bibiktimahin at saka isasagawa ang pangho­holdap sa sandaling sumakay na ang mga ito.

Kadalasan ding  iniipit  ng isa pang mga  kasamahan ang pasahero at pinapatay kung nanlalaban.

Sinabi naman ni Chief Inspector Mar Reyes, ng City Hall detachment, marami na silang natatanggap na reklamo ng panghoholdap sa mga kuliglig   subalit hindi na lamang natutuloy dahil na rin sa kawalang interes ng mga  biktima.

Samantala, sinabi naman ni  Manila Mayor Alfredo Lim na hindi naman nila inaali­san ng kabuhayan ang mga kuliglig  at sa halip ay nais lamang nilang  ipatupad ang  batas hinggil sa Clean Air Act. 

Maging siya man ay nagulat  nang malamang  umaabot na sa may 10,000 ang kuliglig na bumibiyahe sa  Maynila.

Bagama’t alam niya ang karapatan ng  mga ito, kaila­ngan din aniyang respetuhin ang karapatan ng lahat. Aniya, kung nakakadisgrasya ang mga kuliglig, hindi na ito maaaring habulin dahil na rin sa hindi nakarehistro sa Land Transportation Office.

ANIYA

AYON

CHIEF INSPECTOR MAR REYES

CITY HALL

CLEAN AIR ACT

LAND TRANSPORTATION OFFICE

MANILA CITY HALL

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with