^

Metro

Ivler, nagsinungaling

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines – Taliwas sa kanyang sinasabi na nagdudugo ang kanyang sugat, nabuking naman sa isinagawang pagdinig ng QC Regional Trial Court na hindi na nagdudugo ang sugat ng road rage suspek na si Jason Ivler.

Una nang pinayagan ni Judge Bayani Vargas ng QC RTC Branch 219 si Ivler na makapagpa check-up sa East Avenue Medical Center para malaman kung patuloy na nagdudugo nga ang sugat nito kung saan binigyan siya ng sertipikasyon na kaila­ngan itong maoperahan ulit dahil sa kundisyon ng sugat dahil sa ito ay nagdudugo pa.

Kahapon sa QC court, base sa isinumiteng medical certificate noong Lunes ng Nov. 15, sinabi ni Dr. Glomar Malana na hindi na nagdudugo ang sugat ni Ivler at normal na ito.

Gayundin sinabi ni QC Jail Warden, P/Supt. Nestor Velasquez na ganito rin ang lumabas sa pagsusuri ng kanilang doctor sa kulungan at nagsasabing walang dugo na nakita sa sugat ni Ivler dahil ito ay tuyo na.

Nabatid na itinakda sa Enero 5 ang pagdinig kay Ivler dahil may sakit si Judge Vargas.

DR. GLOMAR MALANA

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

ENERO

IVLER

JAIL WARDEN

JASON IVLER

JUDGE BAYANI VARGAS

JUDGE VARGAS

NESTOR VELASQUEZ

REGIONAL TRIAL COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with