^

Metro

Public hearing sa high-tech solution vs trapiko, kolorum, isasagawa

-

MANILA, Philippines - Magsasagawa ngayong linggo ng public hearing ang House Committee on Metro Manila Development na pinamumunuan ni Navotas Representative Toby Tiangco upang talakayin ang luma­lalang traffic sa mga pangunahing lansa­ngan sa Kamaynilaan.

Dadaluhan ng mga mata­taas na opisyales ng Metro Manila Development Authority (MMDA), Land Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at  Department of Transportation and Communications (DOTC) at ng ilang kinatawan ng transport group leaders upang tugunan ang pagkakaroon ng modern­ electronic identification technology para sa agarang solusyon sa suliranin ng traffic sa bansa at mga kolorum na sasakyan. 

Samantala, sinabi naman ni Congressman  JV Ejercito ng San Juan, na siyang chairman ng Technical Working Group nauunawaan niya ang problema sa over supply ng bus at mga Public Utility Vehicles (PUV) sa lansangan.

Sa pamamagitan umano ng tinatawag na tracking system ay mamo-monitor ang galaw ng mga sasakyan sa lansangan kung kaya’t bago pa lamang maging congested ang trapiko ay agad na itong maiiwasan, layunin din ng makabagong teknolohiya na imonitor ang dami ng pasahero na aangkop naman sa bumibiyaheng bus sa lansangan.

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

HOUSE COMMITTEE

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

LAND TRANSPORTATION OFFICE

METRO MANILA DEVELOPMENT

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NAVOTAS REPRESENTATIVE TOBY TIANGCO

PUBLIC UTILITY VEHICLES

SAN JUAN

TECHNICAL WORKING GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with