^

Metro

2 holdaper dedo sa shootout

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Bumulagta ang dalawang hinihinalang holdaper nang makipagpalitan ng putok sa mga pulis, matapos ang panghoholdap sa isang branch outllet ng Baliwag lechon manok sa Tondo,  Maynila,  kamakalawa ng gabi.

Hindi pa kilala ang mga suspect na nakalagak sa St. Patrick Funeral Homes na nasa edad na 29 hanggang 30, balingkinitan, may taas na 5’4’’-5’6’’ habang ang isa naman ay nasa edad na 33 hanggang 35, may taas na 5’8 hanggang 5’10, nakasuot ng leather na brown shoes   at kapwa nakasuot  ng puting t-shirt at asul na maong pants at puno ng  tattoo sa kanilang  katawan.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-6:40 ng gabi nang maganap ang insidente sa kanto ng Road 10 at Capulong Sts., Tondo.

Una nang dumulog sa MPD-Station 1  sina Efren Cruz at Edgardo Banting, kapwa food server ng Baliwag Lechon Manok Food Shop  sa may Honorio Lopez Ave., at Juan Luna,Tondo,Manila matapos na holdapin ng mga suspect ang nasabing tindahan.

Nang rumesponde ay naispatan pa ang mga suspect sa harapan ng Pioneer Hardware sa kanto ng Capulong St., at  Road 10  Tondo Manila subalit papalapit pa lamang ang mga awtoridad nang nagbunot ng baril ang isa sa suspect at paputukan ang mga awtoridad kaya napilitang gumanti ng putok ang mga pulis.

Dinala pa ng mga pulis ang mga suspect sa Jose Reyes Memorial Medical Center su­balit binawian din ng buhay.

vuukle comment

BALIWAG LECHON MANOK FOOD SHOP

CAPULONG ST.

CAPULONG STS

EDGARDO BANTING

EFREN CRUZ

HONORIO LOPEZ AVE

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with