^

Metro

7 timbog sa illegal fishing

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Pitong mangingisda ang inaresto ng mga tauhan ng Taguig City government habang nasa aktong nanghuhuli ng isda sa “protected area” sa Laguna de Bay na idineklarang “nursery” ng mga maliliit na isda sa lawa.

Unang inaresto ng Lake and River Management Office (LRMO) si Manding Sampaga, 50, ng Pulong Kendi, Sta. Ana, Taguig habang nangingisda sa “fish sanctuary” dakong alas-11 ng gabi noong nakaraang Nob­­yembre 25.

Makaraan ang 30 minuto ay nadakip sa karagatan ang anim na mangingisda buhat pa sa Binangonan, Rizal lulan ng tatlong bangkang pangisda. 

Kinilala lamang ng LRMO ang tatlong mga kapitan ng mga bangka na sina Edgar San Diego, 42; Renato Ducot, 52, at Ronillo Mon, 48.

Nabatid na nadakip ang mga mangingisda habang nagsasagawa ng iligal na pangingisda na “trawling”. 

Ang trawling ay ang pag­gamit ng pinong lambat na hinihila ng da­lawa o higit pang bangka upang mahuli ang lahat ng madaanan na isda.

Nabatid na nakakasira rin ng ilalim ng dagat ang naturang uri ng pangingisda kaya mahigpit na ipinagbabawal ito.

Sinampahan ng kasong paglabag sa Section 16 ng City Ordinance 114 o paggamit ng “trawl” at Section 38 dahil sa hindi otorisadong pangingisda sa karagatan na bahagi ng Taguig City.

vuukle comment

BINANGONAN

CITY ORDINANCE

EDGAR SAN DIEGO

LAKE AND RIVER MANAGEMENT OFFICE

MANDING SAMPAGA

NABATID

PULONG KENDI

RENATO DUCOT

RONILLO MON

TAGUIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with