MANILA, Philippines - It’s about time…
Rizal Park has been neglected for years! Let’s bring back the old glory of Luneta Park !”
Ito ang halos iisang tinig at naging reaksyon ng mga ‘stakeholders’ ng pamosong parke ng Pilipinas – ang Rizal Park, matapos na dumalo sa isinagawang “stakeholders’ consultation” na ipinatawag ni National Parks Development Committee (NPDC) Executive Director Juliet Villegas upang ipaalam ang kasalukuyang plano ng NPDC sa matamlay at halos wala nang buhay na imahe ng Rizal Park.
Ayon kay Cezar Cruz, presidente ng PHILTOA, ang naging hakbang ng NPDC na muling buhayin at linisin ang Rizal Park ay isang magandang senyales upang muling manumbalik ang masigla at saya tulad ng kasagsagan noong dekada 70’s, 80’s at 90’s.
Iginiit ni Cruz na tiyak na dadayuhin hindi lamang ng mga local tourists ang Rizal Park at maging ang mga foreign tourists sakaling maisakatuparan at tuluyang makumpleto ang total make-over sa parke gaya ng paglalagay ng world-class dancing fountain sa central lagoon.
Ang pag-renovate sa Rizal Parks children’s playground, pagpapaganda at muling pagsasaayos ng Chinese at Japanese Garden, ang pagkakaroon ng makabagong features ng ‘Relief Map’ kung saan matatagpuan ang may halos 10,000 square meters na mapa ng bansa at higit sa lahat ang kasiguruhan ng kaligtasan ng mga mamamasyal laban sa anumang uri ng krimen.
Ayon pa kay Cruz, may-ari ng TRIPS Travel Agency, ang Rizal Park ay bahagi na lamang ng kanilang ‘picture taking’ para sa mga foreign tourist na hindi tumatagal ng may halos limang minuto lamang kung ikukumpara noong kasagsagan nito na halos kalahating oras tumitigil ang mga turista upang umikot, magpa-picture at alamin ang kasaysayan ng Rizal Park.
“To tell you honestly, our foreign guests used to stay in the park for almost half an hour to do picture-taking, strolling and most specially to know the historical value of Rizal Park or Luneta . But these past few years, we just drop them by the Rizal Monument so they can do their picture-taking in a maximum of five minutes. Why? Because we have nothing else to show them aside from Dr. Jose Rizal’s monument. So here’s to hoping that all visions of the new NPDC director with the help of Department of Tourism will be materialized,” pahayag ni Cruz.