^

Metro

2 mister may problema sa asawa, nagbigti

-

MANILA, Philippines - Dalawang mister na kapwa may problema sa kanilang mga misis ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti sa magkahiwalay na lugar sa Quezon City at Valenzuela City, kahapon.

Sa QC, patay na nang ma­tagpuan ang tricycle driver na si Alvin David, 23, na natag­puang nakabitin sa loob ng kanyang bahay sa Litex Road, Brgy. Commonwealth,

Ayon sa pulisya, nag-ugat umano ang problema ng nasawi sa kanyang asawang nag-aaral ng nurse sa isang exclusive school dahil sa napapadalas na hindi nito pag-uwi ng bahay.

Naghihinala ang biktima na maaaring may kinalolokohan ang asawa na ibang lalake kahit pa ang laging katwiran nito ay may ginagawang assignment sa paaralan, kung kaya hindi makauwi ng bahay.

Samantala sa Valenzuela naman matapos na makatampuhan ng kanyang misis,  nagpa­tiwakal din ang mister na nakilalang si Jun Carlo, 22, ng Tangke St., Brgy. Malinta ng nabanggit na  lungsod. Dakong alas-12:30 ng tanghali nang makitang nakabigti ang biktima sa loob ng kanilang bahay sa nabanggit na lugar.

 Sa pahayag ng misis ng nasawi na bago ang insidente, nagkatampuhan sila  ng kanyang mister dahil sa problemang pampamilya na naging dahilan upang lumabas siya ng bahay.

 Makalipas ang ilang oras, nagbalik si misis subalit laking gulat nito nang makitang nakabigti ng nylon cord ang biktima at patay na. (Ricky Tulipat at Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ALVIN DAVID

BRGY

JUN CARLO

LITEX ROAD

LORDETH BONILLA

QUEZON CITY

RICKY TULIPAT

TANGKE ST.

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with