Iranian na 'tulak' ng opium, timbog

MANILA, Philippines - Arestado ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 51-anyos na Iranian matapos mahulihan ng   P100,000 halaga ng iligal na droga na Opium”  sa isinagawang pagsalakay sa kanyang bahay   sa Sampaloc, Maynila, iniulat kahapon.

Kinilala ni NBI Director Magtanggol Gatdula ang suspect  na si Leeyouvenhouk Baroutian, ng #850 G. Ibarra St., Sampaloc, Manila.

Nabatid din ng NBI na ang suspect ay nagmamay-ari ng apat na World Class Persian Kebab Restaurant sa Santolan, Pasig City; Tomas Morato sa Quezon City, Mandaluyong City at Sucat, Parañaque City.

Bunsod ng impormasyong ‘source’ ng Opium ang suspect, agad nag-apply ng search warrant at agad namang nag-isyu  nito si Manila Executive Judge  Amor Reyes na ginamit sa pagsalakay.

Sa ulat ng NBI-Reaction, Arrest and Interdiction Division (RAID) laganap umano ang paggamit ng Opuim sa Maynila at ang suspect ang itinuturong pinagmumulan nito, na napatunayan sa isinagawang surveillance.

Natiyempuhan naman ang suspect na naglalakad sa Blumentritt St., Sampaloc, Maynila patungo sa kanilang bahay kaya agad itong pinigil at nakumpiska sa kaniya ang dala-dalang 15 gramo ng Opium.

Pinasok din ang kaniyang bahay at doon natagpuan pa ang may 55 gramo ng Opium at 9 gramo ng marijuana. 

Ipinagharap na ng   kasong paglabag sa kasong Section 5 at 11 ng Art. II of RA 9165 (The Comprehensive Dangerous Drug of 2002) at kasalukuyang nakakulong sa NBI Detention cell at walang piyansang inirekomenda.

Show comments