^

Metro

Pagpapaputok sa gas leak site sa Makati ipagbabawal

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nakatakdang ipagbawal ng pamahalaang lungsod ng Makati City ang paggamit ng mga residente ng Ba­rangay Bangkal na tinamaan ng “gas leak” ng anumang uri ng paputok sa darating na Kapaskuhan at Bagong Taon upang maiwasan ang posib­leng mas malaking trahedya.

Ipinag-utos na ni Mayor­ Jejomar Erwin Binay sa mga opisyales ng Barangay Barangka na magpasa ng ordinansa­ para sa pagbabawal sa pagbebenta at paggamit ng anumang uri ng paputok at agad na ipakalat ang impormasyon sa lahat ng residente ng barangay.

Nangangamba kasi si Binay­ na maaaring magka­roon ng napakalakas na pag­sabog sa naturang barangay kung may magpapaputok lalo na sa bisinidad ng West Tower Condominium dahil sa nababalot pa rin ng singaw ng gas ang naturang lugar. 

Kasalukuyang nasa pro­seso pa rin ang pamahalaang lokal at ang First Philippine Industrial Corporation (FPIC) sa paglilinis ng naturang lugar at inaasahang tatagal pa bago maibalik sa normal ang hangin na kontaminado ng gas.

vuukle comment

BAGONG TAON

BANGKAL

BARANGAY BARANGKA

BINAY

FIRST PHILIPPINE INDUSTRIAL CORPORATION

IPINAG

JEJOMAR ERWIN BINAY

MAKATI CITY

SHY

WEST TOWER CONDOMINIUM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with