Binata nalitson sa kuryente

MANILA, Philippines - Sunog ang katawan ng isang binata na siyang ikina­matay nito makaraang ta­maan ng malakas na boltahe ng kuryente habang may kina­kalikot sa itaas ng poste ng Meralco sa lungsod Quezon­ kahapon ng mada­ling-araw.

Dead-on-arrival sa ospital ang biktimang si Veejay Somira, 21, binata, ng Mang­ga St., Tala Caloocan City.

Nangyari ang insidente sa may Bongavilla St., Maligaya Park, Brgy. Pasong Tamo sa lungsod ganap na alas-3:30 ng madaling-araw.

Bago ito, ayon kay Dolo­res Biron, nakarinig umano siya ng malakas na pagsabog mula sa labas ng kanyang bahay.

Dahil dito, agad na tiningnan niya ang pinagmulan nito kung saan natagpuan ang biktima na nakahandusay sa bangketa malapit sa kongkretong poste ng kuryente at sunog ang katawan.

Hindi tiyak kung ano ang ginagawa ng biktima sa poste, kung saan nakitang may naka­kalas na ilang piraso ng mga turnilyo sa isang metrong naka­kabit dito na maaaring dahilan­ ng kanyang pagkakakuryente. 

Show comments