^

Metro

Eskuwelahan sa Malabon binulabog ng 'bomba'

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Sinuspinde ang klase makaraang mabulabog ang mga guro at mga estudyante  sa isang paaralan sa Malabon nang may mag-text na sasabog ito kahapon ng umaga.

Sa report ng pulisya, nabatid na alas-10:55 ng umaga, nakatanggap ng text ang gurong si Luisa Jacaban,  ng Tonsuya Elementary School, na matatagpuan sa  Sanciangco St., Brgy. Tonsuya ng nabanggit na  lungsod na nagsabing sasabog anumang oras ang nasabing eskuwelahan.

Agad na ipinagbigay alam ni Jacaban sa principal na si Mrs. Marilou Cabais ang mensahe na agad namang tumawag ng pulis. Kumalat ang balita at nagdagsaan ang mga magulang ng mga bata hanggang sa magdatingan ang mga pulis subalit nang suyurin ay wala naman nakitang bomba.

Tuluyan na rin pinauwi ang mga bata na may mga sundong magulang kung saan nagsasagawa na nang imbestigasyon ang pulisya ukol sa insidente.

BRGY

JACABAN

KUMALAT

LUISA JACABAN

MALABON

MRS. MARILOU CABAIS

SANCIANGCO ST.

TONSUYA ELEMENTARY SCHOOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with