^

Metro

Rider utas sa riding-in-tandem

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Hindi na nagawang ma­kauwi nang buhay ng isang security guard matapos na ratratin ng riding in tandem   habang ang una ay sakay ng kanyang motorsiklo papauwi sa lungsod Quezon kamakalawa.

Away sa babae ang inis­yal na tinitignang motibo ng pulisya para pagbabarilin ang biktimang si Randy Villa­real, 31, line in security guard at residente sa Block 2, Maliksi St., West Kamias sa lungsod.

Ayon sa pulisya, ilang araw bago ang pamamaril ay may kausap pa ang biktima sa cellphone na hiniram lamang sa kanyang pinsang si Alvin Fuentes na isang babae.

Matapos nito, ay nakatanggap umano  si Fuentes ng text mula sa isang walang pangalang sender na nagsasaad na “Randy wag kang tatalo ng may asawa, baka magsisi ka, taga- Pinyahan ka lang, kaya kitang... at kahit sa Capiz ka pa magtago kukunin kita.” Ang naturang mensahe ang tinitingnan ngayon ng CIDU na posibleng ugat ng nasabing pamamaslang.

Nangyari ang insidente sa may kahabaan ng  Roose­velt Avenue ma­lapit sa panulukan ng Da­ngay St., Veterans Village, ganap na alas-7 ng gabi.

Sinasabing sakay ng kanyang XRM motorcycle (3291-NU) ang biktima papauwi buhat sa pagdu-duty nang sundan siya ng isang motorsiklo lulan ang dalawang suspect.

Nang makalapit ang motorsiklo ng mga suspect sa biktima, bigla na lang naglabas ng baril ang backrider ng una at pinaputukan ang huli sa likod, saka mabilis na lumayo patungong Edsa Avenue.

ALVIN FUENTES

AYON

CAPIZ

EDSA AVENUE

FUENTES

MALIKSI ST.

MATAPOS

RANDY VILLA

VETERANS VILLAGE

WEST KAMIAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with