Bagong teknolohiya vs trapik sa EDSA-MM mayors
MANILA, Philippines - Itinutulak ng mga Metro Manila Mayors at ng ilang transport groups sa pamunuan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at Department of Transportation and Communications ang pagpapatupad ng Electronic Identification System (EIS) upang maibsan ang matinding trapiko sa Kamaynilaan at sugpuin ang paglaganap ng mga illegal na buses na bumibiyahe sa kahabaan ng EDSA
Ayon sa mga ito, dapat isulong ang EIS upang maging maayos ang traffic control system sa ilang lugar sa Metro Manila partikular sa EDSA gaya ng bansang Singapore na gumagamit ng Electronic Road Pricing System sa pamamagitan ng Radio Frequency Identification technology.
Samantala umapela ang United Transport Koalisyon (1-UTAK) sa MMDA at DoTC na dapat umanong makontrol ang daloy ng trapiko sa EDSA sa pamamagitan ng Electronic Traffic Control and Dispatch System na bukod sa solusyon sa trapiko ay madali ding malalaman ang mga out of line at colorum vehicles.
Sinabi pa ni Mendoza na hindi kailangang gumastos ng gobyerno para sa makabagong teknolohiya sa halip ito ay ipapatupad sa ilalim ng Public and Private Partnerships (PPP).
Aniya, maraming mga bus companies ang nagpahayag ng suporta sa Electronic Control and Dispatch System sa pamamagitan ng Radio Frequency Identification system sa pag-asang tuluyan ng masusugpo ang mga kolorum at out of line vehicles sa lansangan.
- Latest
- Trending