Obrero hulog mula 16th floor ng gusali, lasog

MANILA, Philippines –  Patay ang isang obrero matapos mahulog mula sa 16th floor ng ginagawang gusali sa Libis, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang nasawi na si Bernardo Tuvilla, 39, na natagpuan dakong alas-7:15 ng gabi sa ground level ng Le-Gard 1 Building sa Eastwood City ng na­banggit ng lugar.

Ayon kay PO2 Jogene Hernandez ng QCPD- Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), si Tuvilla na residente ng Obando, Bulacan, ay nagtatrabaho bilang mason sa naturang construction site.

Nadiskubre ni Miguel Desemparado ang katawan ng biktima malapit sa ele­vator ng gusali sa ground floor.

Agad na dinala ng kanyang kapwa trabahador ang biktima sa Quirino Me­morial Medical Center su­balit idineklara itong dead-on-arrival dakong alas-7:05 ng gabi.

Napag-alaman na ma­tinding pinsala ang tinamo ng biktima sa ulo at sa buong katawan.

Hindi umano agad napansin ng mga kasamahan nito sa trabaho ang pagkahulog ng biktima mula sa ika-16 na palapag dahil sa busy sila sa paglalagay ng electrical pipes. 

Show comments