^

Metro

FBI probe sa natagpuang granada sa US Embassy

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nagsasagawa na rin umano ng sariling imbestigasyon ang US Federal Bureau of Investigation kaugnay ng natagpuang granada at bala ng grenade launcher sa bisinidad ng US Embassy quarters sa may Roxas Boulevard, Pasay City.

Nabatid na dalawang ahente ng FBI na ang nagtungo sa Pasay City police station at nagkaroon ng “closed door meeting” kay Sr. Supt. Napoleon Cuaton.  Hiniling umano ng mga ahente na makakuha ng kopya ng special reports, spot reports, at iba pang detalye sa pagkakatagpo ng mga pampasabog.

Nangako naman umano ang mga opisyal ng FBI na maki­kipagkoordinasyon at makikipag-ugnayan ukol sa takbo ng sarili nilang imbestigasyon.

Una nang sinabi ni Cuaton na maaaring pananakot lamang ang pakay ng nag-iwan ng granada at bala sa isang plant box malapit sa US Embassy seafront residences. Hindi naman umano sasabog ito dahil sa walang timing at detonating devise.

Bukod dito, lumang-luma na umano ang nangangalawang na granada na naka-tape ang safety level nito habang ang 40mm recoilless rifle ammunition ay hindi armado nang matagpuan.

Ang pagkakatagpo ng na­turang mga granada ay makaraan na kuwestiyunin ni Pangulong Benigno Aquino III ang Estados Unidos sa pagpapalabas ng “travel advisory” laban sa Pilipinas kaugnay ng bantang terorismo umano.  Naniniwala naman ang Southern Police District (SPD) na walang kaugnayan ang “ter­rorist plot” sa pagkakatagpo ng mga pampasabog sa US Embassy.

BUKOD

CUATON

ESTADOS UNIDOS

FEDERAL BUREAU OF INVESTIGATION

NAPOLEON CUATON

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PASAY CITY

ROXAS BOULEVARD

SOUTHERN POLICE DISTRICT

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with