^

Metro

20 utas sa Commonwealth 'killer' Avenue

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Umaabot na sa 20 katao ang naitatalang nasawi sa kahabaan ng Commonwealth sa Quezon City na tinaguriang “killer avenue” sa lungsod mula lamang nitong Oktubre.

Kabilang dito ang  nasawing ginang kamakalawa   makaraang suwagin nang  humahagibis na pampasaherong bus.

Nakilala ang biktimang si Eufemia Candalo, 45, ng Pag-ibig Village, Brgy. Commonawealth, Quezon City na  binawian  ng buhay sa Fairview General Hospital makaraan ang limang oras na paggagamot sa  Intensive  Care  Unit (ICU) ng pagamutan.

Ang biktima ay nagtamo ng pagkabali ng baywang at matin­ding pagkabagok ng ulo na naging sanhi ng kanyang kamatayan.  

Bunsod nito, nanawagan ang mga residente sa Brgy. Commonwealth partikular ang mga nakatira sa Don Fabian Subd., Bitoon Circle, Pag-ibig Village, Litex Road, Don Jose Subd. at Doña Carmen Subd. na lagyan na ng overpass sa tapat ng Don Fabian Village para maiwasan na ang mga aksidente sa nabanggit na lansangan.

Anila, taong 2000 pa nang manawagan ang mga residente kay dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na lagyan ng overpass ang Commonwealth Avenue sa may Don Fabian subalit bigo sila na mangyari ito.

Si Candalo ay nasagasaan ng Ralfh Benz Express bus ( TXR-506) na minamaneho ni Anatalio Ladesma  dakong alas-9:30 ng umaga.

ANATALIO LADESMA

BITOON CIRCLE

BRGY

CARMEN SUBD

COMMONWEALTH AVENUE

DON FABIAN

DON FABIAN SUBD

DON FABIAN VILLAGE

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with