^

Metro

Number coding sa jeep ipapatupad na rin

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nakatakdang ipatawag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Metro Manila Council (MMC) ang lahat ng stakeholders at transport groups sa isang transport summit upang talakayin ang pagpapatupad rin ng number coding sa mga pampasaherong jeep matapos na ipatupad na ito sa mga pampasaherong bus.

Sinabi ni MMDA spokesperson Tina Velasco na isa­sa­gawa ang traffic management summit sa Disyembre 3 kung saan iniimbitahan ang mga operators, opisyales ng transport groups at iba pang stake­holders para sa konsultasyon.

Isa rin umanong sen­sitibong isyu ang number coding scheme sa mga pampasaherong jeep na higit na mas marami kaysa sa mga bus. Ngunit kung maipatu­tupad ito, tiyak umano na mararamdaman ang pagluluwag sa mga kalsada sa buong Metro Manila.

Ayon sa MMDA, nakapaloob pa rin ang mga pampasaherong jeep sa Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) base sa batas na Republic Act 7924 na lumikha sa MMDA. 

Kaya umano ito tinawag na “unified” dahil pasok dito ang mga pribado at mga pam­­publikong mga sa­sakyan.

Sa planong pagpapa­tupad ng number coding sa mga jeep, nakatutok ang MMDA sa kaligtasan, pagi­ging komportable at bilis ng biyahe ng publiko.

Kahit hindi pa nakokonsulta, nagbanta naman ka­agad ang militanteng grupong Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Ope­rators Nationwide (PISTON) ng “transport strike” kung igigiit ng M­MDA ang number coding­ sa kanila.

AYON

METRO MANILA

METRO MANILA COUNCIL

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

PINAGKAISANG SAMAHAN

REPUBLIC ACT

SHY

TINA VELASCO

UNIFIED VEHICULAR VOLUME REDUCTION PROGRAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with