^

Metro

Trike driver dedo ng kapwa driver

- Ni RickyTulipat -

MANILA, Philippines - Isang tricycle driver ang nasawi makaraang barilin sa ulo ng hindi nakikilalang salarin na umano’y nagalit dahil sa pamamasada umano ng una ng out-of-line at pangongontrata sa kanyang pasahero sa lungsod Quezon, kamakalawa.

Kinilala ang nasawi na si  Nonelo Soriano Jr., 33, residente ng Philand Extension, Brgy. Pasong Tamo sa lungsod.

Sinasabing ang mga suspect na kapwa driver ng tricycle ay mabilis na tumakas makaraan ang pamamaril.

Sa imbestigasyon, nangyari ang insidente sa may Congressional Avenue, Brgy. Culiat, ganap na alas-9 ng gabi habang ang biktima ay sakay ng kanyang tricycle (TN-1645) at tinatahak ang nasabing lugar nang biglang sumulpot ang isang suspect na armado ng baril at paputukan ito sa ulo.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang suspect.

Sinasabing isa sa anggulong tinitingnan ng awtoridad ay ang umano’y galit ng mga suspect sa biktima dahil pinapasok nito ang hindi niya ruta at pangongontrata ng pasahero.

Sinabi naman ng pamilya ng biktima na wala silang nalalaman na kaaway ito na magiging ugat para siya patayin. Patuloy ang pagsisiyasat ng QCPD sa nasabing insidente.

vuukle comment

BRGY

CONGRESSIONAL AVENUE

CULIAT

ISANG

KINILALA

MATAPOS

NONELO SORIANO JR.

PASONG TAMO

PHILAND EXTENSION

SINASABING

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with