^

Metro

6 Indian biktima ng humantrafficking naharang ng BI

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Anim na Indian nationals na hinihinalang biktima ng human­ trafficking ang naharang ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) habang papasok sa bansa nang walang visa gamit ang southern backdoor.

Sinabi ni Immigration Officer-in-Charge Ronaldo Le­desma, ang nasabing mga Indian­s ay naharang sa southern­ seaport noong nakaraang linggo sa Tawi-Tawi.

Nilinaw naman ni Ledesma na ang mga dayuhan ay ipatatapon din pabalik sa kanilang bansa dahil sa pagpasok sa PiIipinas nang walang visa at dahil sa pagtanggi ng mga ito sa inspeksyon ng  immigration authorities.

Kinilala ang mga dayuhan na sina Kuldeep Singh, Sikatar Singh, Param­jit Singh, Sogi Manvinder, Dharam Singh at Amrik Singh.

Ayon naman kay lawyer Faizal Hussin, BI intelligence chief, na ang mga indian na­tionals ay bumiyahe sa Bonagao, Tawi-tawi sa pamama­gitan ng speedboat mula sa Semporna sa Sabah, Malaysia bago tangkaing pumuslit patungong Zamboanga.

Nadiskubre rin na nagtungo muna sa Thailand ang mga dayuhan bago nagtungo sa Malaysia base sa arrival stamps na nakita sa kanilang mga pasaporte at inamin naman ng mga ito na ang sindikato ng human trafficking syndicate ang nag-ayos ng kanilang biyahe.

Isang Ashok Kumar mula sa India ang nag-recruit at nag-ayos ng kanilang biyahe at siya ring pangalan na lumabas sa plane tickets at nag-book ng Air Asia flight mula India hanggang Malaysia.

AIR ASIA

AMRIK SINGH

BUREAU OF IMMIGRATION

DHARAM SINGH

FAIZAL HUSSIN

IMMIGRATION OFFICER-IN-CHARGE RONALDO LE

ISANG ASHOK KUMAR

KULDEEP SINGH

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with