^

Metro

P2-M halaga ng gatas at asukal hinaydyak

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa P2 milyong halaga ng asukal at gatas ang umano’y natangay ng limang armadong kalalakihan matapos na haydyakin ng mga ito ang isang 10- wheeler truck na naglalaman ng naturang produkto sa Taguig City at inabandona sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.

Ang insidente ay nabatid matapos na matagpuan ang driver na si Danilo Lambucon, 40, truck driver, ng Block 1, Lot 30, St. Francis St., Moonwalk Parañaque City, habang nakagapos ang mga kamay at natatapalan ng packaging tape ang mga mata sa back seat ng nasabing truck.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Police Station 1 ng QCPD, hinayjack umano ng mga armadong suspect ang 10-wheeler truck (UMP-564) sa may service road, parti­kular sa harap ng Tesda building sa Taguig City pasado alas-11 ng madaling-araw.

Sinasabing galing sa Pasig City ang truck at ihahatid sana ni Lambucon ang produkto sa may Makati nang harangin ito ng isang naka-motorsiklong suspect na nakasuot ng vest na may tatak ng PNP.

Agad na pinababa ng suspect ang driver, hanggang sa sumulpot na rin ang isang taxi sakay ang iba pang mga suspect saka iginapos ng packaging tape ang kamay ng huli at tinakpan pa ang mga mata nito, bago inilagay siya sa back seat ng truck saka tangayin ito.

Pagsapit sa may pagitan ng Biak-na-Bato St., corner G-Roxas St., Brgy. Manresa, Quezon City ay saka inabandona ang driver ng mga suspect, ngunit tangay na ang nasabing mga produkto.

Sa kasalukuyan, ang kaso ay nakatakdang iturn-over ng QCPD sa Taguig City police na siyang may hurisdiksyon sa kaso.

vuukle comment

BATO ST.

DANILO LAMBUCON

G-ROXAS ST.

MOONWALK PARA

PASIG CITY

POLICE STATION

QUEZON CITY

ST. FRANCIS ST.

TAGUIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with