'Martilyo gang' muling sumalakay, granada pinasabog pa

MANILA, Philippines - Muling umiskor ang kilabot na grupong “Martilyo Gang” makaraang matagumpay na looban ang isang mall kung saan anim katao ang sugatan nang magpasabog ng granada ang mga ito sa kanilang pagtakas kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.

Nakilala ang mga nasugatan sanhi ng shrapnel ng granada na sina Lloyd Bullcera, 43, ng Central Bicutan; Maurice Cynthia Agbao, 3-anyos; Vicente Orellano, 44; Menchita Igbalic, 24, ng Upper Bicutan; Jennelyn Gonzaga, 13; at Lily Medina, 24.

Sa ulat ng Parañaque police, naganap ang panloloob sa Oro China Jewelry Shop sa ikatlong palapag ng isang mall dakong alas-8 ng umaga.  Nagpanggap na mga kustomer ang sinasabing apat na suspek, dalawang lalaki at dalawang babae, kung saan bumili pa sa hardware ng ginamit na mga martilyo.

Tumagal lamang umano ng ilang minuto ang panghoholdap ng mga salarin na armado ng iba’t ibang uri ng baril kung saan ni­limas ang mga alahas ng naturang jewelry shop.

Habang papatakas, isa sa mga salarin ang nagpasabog ng granada sa unang palapag ng mall upang lumikha ng dibersyon para agad silang makatakas. 

Show comments