Klase sa Quezon City at San Juan sinuspinde

MANILA, Philippines - strike naapektuhan din ang pag-aaral ng mga mag-aaral sa San Juan at Quezon City makaraang isuspinde ng Department of Education (DepEd) ang pang­hapong klase sa mga pampubliko at pribadong pa­aralan sa naturang dalawang lungsod kahapon.

Sa mensaheng ipinadala ng DepEd Communications Center, ipinag-utos ni DepEd NCR officer-in-charge Rizalino Rosales ang pagsuspinde ng klase sa naturang mga lungsod sa elementarya at high school bunsod ng kakulangan ng masa­sakyan ng mga mag-aaral.

Ikinatwiran naman ng Dep­Ed na panghapon lamang ang sinuspinde nila dahil sa inaasahan naman nila na makakasakay ang mga mag-aaral na pang-umaga na maaga pa sa alas-7 ang pasok sa eskwela kung saan hindi aabutan ng number coding.

Ngunit sa kabila nito, daan-daang mag-aaral ang na-stranded dahil sa hindi lamang number coding ang nakaapekto kung saan maging ang ginawang boycott ng mga kompanya ng bus.

Show comments