^

Metro

Pacquiao-Margarito fight sinamantala, 'Martilyo Gang' umatake

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Sinamantala ng mga miyembro ng Martilyo Gang ang labang Pacquiao at Margari-   to matapos na pasukin ng mga suspect ang isang jewelry shop sa Binondo, Maynila,

 Siyam na lalaki na pawang armado ng baril at Uzi ang tumangay sa hindi pa natutukoy na halaga ng mga alahas at cash sa  Optic Vizion-Gold Dazz Marketing na matatagpuan sa  no. 845 Ongpin corner T. Alonzo Sts., Binondo, Maynila na pag-aari ng Chinese national na si Gau Lin Ha, 82. 

Sinabi ni SPO3 Genaro Tan, ng Manila Police District-Theft and Robbery Section, apat na motorsiklo umano ang sinakyan ng siyam na suspect nang pasukin ang nasabing jewelry store, dakong 12:00 ng tanghali.

Ilan ang nagsilbing look-out sa labas habang ang ilang pumasok  ay namba­sag ng mga estante, dinakot  ang mga alahas at kinuha ang cash.

Halos limang minuto lamang naisagawa ang krimen bago nagsitakas ang mga suspect.

Isang hot pursuit ope­ration ang iniu­tos ni MPD director C/Supt. Roberto Rongavilla sa MPD–Special Wea­­pon and Tactics (SWAT)  upang tugisin ang mga suspect.

vuukle comment

ALONZO STS

BINONDO

GAU LIN HA

GENARO TAN

MANILA POLICE DISTRICT-THEFT AND ROBBERY SECTION

MARTILYO GANG

MAYNILA

OPTIC VIZION-GOLD DAZZ MARKETING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with