^

Metro

Brgy., SK chairman nanumpa kay Lim

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Pormal na nanumpa  kay Manila Mayor Alfredo S. Lim  ang mga bagong halal na Brgy. at Sangguni­ang Kabataan chairman sa Bonifacio Shrine kasabay ng panawagan na tapusin na ang anumang mga away upang ma­ging ma­ayos ang kanilang pagbibigay ng serbisyo sa kanilang mga nasasakupan.

Sa mass oath-taking ng mga barangay na di­na­­luhan nina 3rd District Rep. Naida Angping at 1st District Rep. Atong Asilo, Liga ng Mga Barangay president Councilor Philip Lacuna, Chief of Staff at Media Bureau chief Ric de Guzman, Manila Police District deputy director Col. Alex Gutierrez at Ba­rangay Bureau di­rector Analyn Buan, si­nabi ni Lim na hindi umano dapat na sayangin ng mga ba­rangay officials ang tiwala na binigay sa kanila ng  kanilang constituents.

Samantala, sinabi naman ni  Bgy. Chairman Thelma Lim na  hindi  siya tutol sa anumang pagbabago sa kanyang nasasakupang barangay. Aniya, nais lamang niya  na ang anumang development na gagawin ay kailangan na  kasama ang kanyang mga constituents.

Giit ni  Lim, pabor siya sa anumang urban de­ve­lopment at hindi ma­aapektuhan at maagrabyado ang kanyang  barangay.

Sa halip aniya na i-relocate ang  mga residente  sa kanyang barangay, mas makabubuti kung pata­tayuan na lamang ito ng high-rise building na ma­a­aring tirahan ng mga apek­tadong residente kung saan ang mga ito na rin ang   mag­ta­trabaho.

Dahil dito, naitataas pa ang moral ng mga residente at nahihikayat na magsikap sa tulong ng local government at ng private sector. (

ALEX GUTIERREZ

ANALYN BUAN

ATONG ASILO

BONIFACIO SHRINE

CHAIRMAN THELMA LIM

CHIEF OF STAFF

DISTRICT REP

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with