^

Metro

3 kilo ng cocaine nasabat

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Umaabot sa tatlong kilo ng cocaine ang nasabat ng mga tauhan ng Pasay City Police kasabay ng pagkakadakip ng tatlong katao sa isinagawang buy- bust operation sa Pasay City.

Kinilala ang mga naarestong suspect na sina Cyrill Montes, Lowin Gesite at Ed Villanueva, pawang mga residente ng Real St., Brgy. Pulang Lupa, Las Piñas City.

Ayon sa pulisya, isang police asset­ ang nag-tip na ang transaksiyon ay isinasagawa sa nasabing lugar kung kaya’t agad nagsagawa ng buy-bust operation dakong alas-8:45 ng gabi ang pinagsanib na puwersa ng Anti-Illegal Drugs ng Pasay City at Las Piñas City Police sa pamumuno ni Chief Inspector Raymund Liguden sa Service Road sa kahabaan ng Roxas Boulevard, Pasay City.

Dito ay positibong nadakip ang tatlong suspect  hanggang sa na-recover sa kanila ang tatlong bricks o tatlong kilo ng cocaine na nagkakahalaga ng multi-milyong piso.

Ang nasabing mga suspect ay nasa custody ngayon ng Pasay City Police upang sumailalim ang mga ito sa masusing interogasyon.

vuukle comment

CHIEF INSPECTOR RAYMUND LIGUDEN

CITY

CITY POLICE

CYRILL MONTES

ED VILLANUEVA

LAS PI

LOWIN GESITE

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

PULANG LUPA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with