Pagpapa-ospital ni Ivler, pinayagan ng QC Court

MANILA, Philippines - Pinayagan na ng Quezon City Court na bumalik sa ospital si road rage suspect Jason? Ivler para doon gamutin ang kanyang sugat pero agad itong babalik sa kulungan kapag ma­galing na ito.

Ito ay makaraang pakinggan ng korte ang kahilingan ni Atty. Priscilla Marie Abante  na payagang magamot sa ospital ito dahil sa nakitang dugo na lumalabas mula sa sugat nito sa tiyan.

Bagamat sinabi ng pro­sekusyon na hindi naman ma­lubha ang sakit ni Ivler binig­yan pa rin ni  QC-RTC Branch 219 Presiding Judge Bayani Vargas na makapagpagamot sa ospital si  Ivler. Binigyan ng direktiba ng korte ang QC  Jail Warden  para makalabas ng kulungan si Ivler at madala sa pagamutan.

Show comments