^

Metro

Ex-Marine, 1 pa huli sa gunrunning

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Isang dating miyembro ng Philippine Marines at isa pang lalaki ang nadakip ng mga tauhan ng Southern Police District-Criminal Investigation and Detection Group at Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) dahil sa pag-iingat at pagbebenta ng mga iligal na armas at bala, kamakalawa ng hapon sa Parañaque City.

Nadakip sa entrapment operation ang mga suspek na nakilalang sina dating Marine Master Sgt. Rodrigo Galam, 40-anyos, at Raymund Sulla, 43, kapwa nakarita sa Valley Ball Sports Streett, Area 4, Fourth Estate, Parañaque City.

Iprinisinta kahapon ng SPD-CIDG ang mga nakumpiskang   tatlong M-16 rifles, isang fragmentation grenade, isang rifle magazine, 128 na piraso ng bala ng M-16 rifle, apat na rifle magazine, anim na short rifle magazine at iba’t ibang uri ng identification cards.

Ayon kay Chief Insp. Romeo Niño na siyang namuno sa naturang operasyon, ilang linggo na nilang minamanmanan ang ilegal na aktibidad ng mga suspek hanggang sa kumagat ang mga ito sa ginawa nilang pain.

Nasa aktong bebentahan ng rifle grenade ng dalawa ang pulis na nagpanggap na buyer nang dakpin sila sa parking area ng Elorde Sports Complex sa Sucat, Parañaque dakong alas-5:30 ng hapon.

Ayon kay Niño, ibinibenta ng mga suspek ng P50,000 ang bawat isang M-16 rifle.

Hinihinala rin na si Galam ang lider ng sindikato habang pinaghahanap pa ang ibang mga kasamahan sa grupo nito. Ina­alam rin ng pulisya at ng ISAFP kung pag-aari ng pamahalaan ang nakumpiskang mga armas at bala at kung makumpirma ay aalamin kung paano nito naipupuslit.

vuukle comment

AYON

CHIEF INSP

ELORDE SPORTS COMPLEX

FOURTH ESTATE

INTELLIGENCE SERVICE OF THE ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

MARINE MASTER SGT

PHILIPPINE MARINES

RAYMUND SULLA

RODRIGO GALAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with