MANILA, Philippines - Sisibakin ng pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang sinumang Police Community Precinct at Station Commanders na malulusutan ng mga kriminal na riding-in-tandem na talamak na nambibiktima ngayong ‘yuletide season’ sa Metro Manila.
Ito ang mariing babala kahapon ni NCRPO Director/Chief Supt. Nicanor Bartolome matapos na simulang imobilisa kahapon ang Task Force Dragon at Motorized Anti-Street Crime Operatives (MASCO).?? ?
Aabot naman sa 220 mga police riding-in-tandem ang inisyal na idineploy sa Metro Manila at ilan sa mga prayoridad ay ang gawi ng lungsod ng Maynila, Quezon City at iba pa na dinarayo ng mga shoppers.??
Ayon kay Bartolome, ipapatupad niya ang one at 2 strike policy upang higit pang matutukan ang mga street crimes ngayong nalalapit na ang pagdiriwang ng kapaskuhan na karaniwan ng sinasamantala ng mga elementong kriminal.??
Nangangahulugan lamang ito ayon sa opisyal na bawal ang mga pulis na pabandying-bandying kung ayaw ng mga itong masampulan ng one strike policy kontra street crimes.