^

Metro

One strike policy vs riding-in-tandem

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Sisibakin ng pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang sinumang Police Community Precinct  at Station Commanders na malulusutan ng mga kriminal na riding-in-tandem na talamak na nambi­biktima ngayong ‘yuletide season’ sa Metro Manila.

Ito ang mariing babala kahapon ni NCRPO Di­rec­­tor/Chief Supt. Nicanor Bartolome matapos na simulang imobilisa kahapon ang Task Force Dragon at Moto­rized Anti-Street Crime Ope­ratives (MASCO).?? ?

Aabot naman sa 220 mga police riding-in-tandem ang inisyal na idineploy sa Metro Manila at ilan sa mga prayoridad  ay ang gawi ng lungsod ng Maynila, Quezon City at iba pa na dinarayo ng mga shoppers.??

Ayon kay Bartolome, ipapatupad niya ang one at 2 strike policy upang higit pang matutukan ang mga street crimes ngayong nalalapit na ang pagdiriwang ng kapaskuhan na karaniwan ng sinasamantala ng mga elementong kriminal.??

Nangangahulugan lamang ito ayon sa opisyal na bawal ang mga pulis na pabandying-bandying kung ayaw ng mga itong masam­pulan ng one strike policy kontra street crimes.

ANTI-STREET CRIME OPE

CHIEF SUPT

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

NICANOR BARTOLOME

POLICE COMMUNITY PRECINCT

QUEZON CITY

SHY

STATION COMMANDERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with