Fetus itinapon sa simbahan

MANILA, Philippines - Nabulabog ang mga taong nagdarasal sa  isang simbahan nang matagpuan ang isang fetus na nakabalot sa isang plastic container at iniwan sa bakuran nito sa Caloocan City kahapon ng umaga. Dakong alas-9:50 ng umaga nang matagpuan ang fetus sa bakuran ng San Roque Parish Church  na nasa kahabaan ng A. Mabini St. ng na­sabing lungsod. Kasalukuyan umanong naglilinis ang ilang kawani sa bakuran ng simbahan nang mapansin ng mga ito ang isang plastic con­tainer na may masangsang na amoy at nilalangaw na nang tingnan ay doon tumambad ang fetus.

Show comments