^

Metro

Kapangalan ng dating pangulo utas sa gang war

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Isang binata na kapangalan ni dating Pa­ngulong Carlos P. Garcia ang nasawi makaraang sumpakin ng isa sa tatlong lalaki na hinihinalang miyembro ng kaaway na gang ng biktima, kahapon ng madaling-araw sa Malabon City.

Nakilala ang nasawi na si Carlos Garcia y Hermosa, 24-anyos, ng #40 B. Sitio Rosal street, Brgy. Maysilo sa natu­rang lungsod. Nagawa pang isugod ito sa Manila Central University Hospital ngunit hindi na rin umabot ng buhay.

Pinaghahanap naman ngayon ang mga nakatakas na suspek na nakilalalang sina Joel Enriquez, Je Enriquez at isang Olek Dionisio, pa­wang naninirahan sa Dionisio street, Brgy. Maysilo.

Sa salaysay ng sak­sing si Serafin sa Malabon police, nakaistambay sila ng kanyang kuya at mga kabarkada sa Sitio Rosal street dakong ala-1:10 ng madaling araw nang biglang dumating ang tatlong suspek na armado ng sumpak at mga balisong.

Agad umanong ki­norner ng mga ito ang biktima na binaril ng sumpak kung saan tinamaan ito sa kanang bahagi ng dibdib.  Agad na nagsitakas ang mga salarin makaraan ang pamamaril.

Isinasailalim na sa imbestigasyon ang mga kabarkada ng biktima upang mabatid ang motibo ng pamamaslang. 

vuukle comment

BRGY

CARLOS GARCIA

CARLOS P

JE ENRIQUEZ

JOEL ENRIQUEZ

MALABON CITY

MANILA CENTRAL UNIVERSITY HOSPITAL

MAYSILO

OLEK DIONISIO

SITIO ROSAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with