Caretaker nagbigti

MANILA, Philippines - Natagpuang nakabigti at wala nang buhay ang isang 46-anyos na caretaker sa isang computer shop, kamakalawa ng hapon sa Malate, Maynila.

Matigas na ang bangkay ng biktimang si Noel Ponayo, stay-in caretaker sa computer shop na matatagpuan sa #1915 Modesto St., corner Remedios St., Malate nang madiskubre ni Isidro Resco, family driver ng may-ari ng computer shop, dakong alas-5 ng hapon.

Sa ulat ng pulisya bago ito, tumawag pa umano ang nasawi para ipakuha ang kinita ng computer shop, dakong alas-9 ng umaga.

Nang  magtungo si Resco sa computer shop, walang sumasagot sa mga katok at tawag niya sa telepono sa loob hanggang sa umalis muli at nang balikan umano dakong alas-5 ng hapon ay isinama nito ang computer technician na si John Paul Reyes at ginamitan ng duplicate key ang shop. Nang mabuksan ay tumambad ang bangkay ng biktima na nakabitin sa hagdan gamit ang sintas ng sapatos.  Inaalam din kung may foul play sa kaso.

Show comments