^

Metro

HS student nakapatay sa binatilyo, arestado

- Ni Ludy Berrmudo -

MANILA, Philippines - Isang 3rd year high school student ang inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District-Homicide Section matapos iturong sumaksak at nakapatay sa isang 17-anyos na binatilyo sa loob ng Manila North Cemetery noong bisperas ng All Saints Day.

Dinampot ang suspect na si Jayson Gabilan, 19, ng Tayabas St., Tondo, Maynila sa pangunguna ni MPD-Homicide Section chief  Insp. Armando Macaraeg kamakalawa dakong alas-3 ng hapon matapos inguso ng isang grade 6 student na itinago sa pangalang “James”, 13-anyos.

Aminado naman .ang suspect na napatay niya ang biktimang si .John Kevin Ding­lasan,17, residente ng Labo St., Brgy. Paang Bundok, La Loma, Quezon City .

Depensa ng suspect, “kasi  pinagtitripan kami, kahit saan kami dumaan inaabangan kami ng grupo niy­a, nakorner kami at pinagbabato kami ng mga kasama ko ng busal ng mais , tinamaan ako sa ulo. Nung sumabay kami sa paglabas ng maraming tao, nakaabang sila at nagsalita pa yung kasama niya (biktima) na marami daw kami, bawasan daw nila ng tatlo, naglalabas pa ng kutsilyo.”

Nabatid na ang suspect ay ulila na sa ama at ang ina umano ay nasa Amerika, habang ang tiyahin nila ang nag-aasikaso sa kanilang 3 magkakapatid kung saan panga­lawa ito sa panganay. 

Samantala, kahapon, dakong 1:30 ng madaling-araw nang sumuko ang isa pang suspect na itinago sa pangalang “John-John”, 17 anyos, high school graduate at residente ng   Tondo, Manila kay Barangay 228,  Chairman Ricardo Cortez.

ALL SAINTS DAY

ARMANDO MACARAEG

CHAIRMAN RICARDO CORTEZ

HOMICIDE SECTION

JAYSON GABILAN

JOHN KEVIN DING

KAMI

LA LOMA

LABO ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with