MANILA, Philippines - Hiniling ng prosecution panel sa Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) na isalang na sa arraignment ang lahat ng akusado sa Maguindanao masaker kasama na ang mga Ampatuan na hindi pa sumasalang sa ganitong uri ng pagbusisi ng korte.
Sa limang pahinang mosyon na isinampa sa QC Regional Trial Court Branch 221 ng prosekusyon, binigyang diin nitong dapat nang basahan ng demanda ang mga akusado bagamat may mga pending petition pa ang mga ito para pag-aaralan ang kanilang kaso na nasa Department of Justice. Una nang sinuspinde ng QC court ang arraignment sa kaso ng ilang akusado dito dahil sa naisalang nilang mosyon sa DOJ.
Gayunman, anang prosekusyon, ang suspension sa pagbasa ng demanda ay tatagal lamang ng 60 araw sa ilalim ng Revised Rules of Criminal procedure.??Partikular na may petisyon ay sina Andal Ampatuan, Sr., Zaldy Ampatuan Anwar? Ampatuan at Akmad Ampatuan, Sr. para pag-aralan ang kanilang kaso noon pang Pebrero 24, 2010 habang sina Saudi Ampatuan at Sajid Ampatuan ay nagsampa ng kanilang petisyon hinggil dito noong Mayo 5, 2010.