^

Metro

Arraignment sa mga akusado sa Maguindanao masaker, giit

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Hiniling ng prosecution panel­ sa Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) na isalang na sa arraignment ang lahat ng akusado sa  Maguindanao masaker kasama na ang mga Ampatuan na hindi pa sumasalang sa ga­nitong uri ng pagbusisi ng korte.

Sa limang pahinang mosyon na isinampa sa  QC Regional Trial Court Branch 221 ng pro­sekusyon, binigyang diin nitong dapat nang basahan ng demanda ang mga akusado bagamat may mga pending petition pa ang mga ito para pag-aaralan ang kanilang kaso na nasa Department of Justice. Una nang sinuspinde ng QC court ang arraignment sa kaso ng ilang akusado dito dahil sa naisalang nilang  mosyon sa DOJ.

Gayunman, anang pro­se­kusyon, ang suspension sa pag­basa ng demanda ay tatagal lamang ng 60 araw sa ilalim ng Revised Rules of Criminal procedure.??Partikular na may petis­yon ay sina  Andal Ampa­tuan, Sr., Zaldy Ampatuan Anwar? Ampatuan at Akmad Ampatuan, Sr. para pag-aralan ang kanilang kaso noon pang Pebrero 24, 2010 habang sina Saudi Ampatuan at Sajid Ampatuan ay nagsampa ng kanilang petisyon hinggil dito noong Mayo  5, 2010.  

vuukle comment

AKMAD AMPATUAN

AMPATUAN

ANDAL AMPA

DEPARTMENT OF JUSTICE

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT

REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

REVISED RULES OF CRIMINAL

SAJID AMPATUAN

SAUDI AMPATUAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with