Robbery riders gang umatake

MANILA, Philippines - Armado ng matataas na kalibre ng baril ang may 12-ka­ lalakihan na nanloob at tuma­ngay ng tinatayang P530,000 halaga ng cash, Rolex watch at 3 mamahalin na cellphones sa nilooban nilang isang auto shop sa Sta. Cruz, Maynila kama­kalawa ng hapon.

Sa reklamong idinulog ng biktimang si Joseph Ibasco, 56, may-ari ng Wheels Diesel Parts and Auto Supply sa #1038 Buenavidez st., Sta. Cruz, Manila sa pulisya ar­mado umano ng Uzi, machine gun at kalibre .45 ang may 12 kalalakihan nang pumasok sa kaniyang tindahan dakong alas-6 ng gabi kamakalawa.

Anim na pares na riding in tandem o sakay sa 6 na mo­tor­siklo ang 12 suspect nang sumalakay kung saan ang ilan sa kanila ay nagsilbing look-outs sa labas ng tindahan habang ang mga armado ng matataas na kalibre ng baril ang siyang pumasok sa loob at nilimas ang cash at maha­halaga nilang kagamitan saka mabilis na nagsitakas.

Show comments