^

Metro

Hostage-taker, 2 pa utas sa Makati

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Tatlo katao ang nasawi kabilang ang isang hostage- taker na walang habas na namaril nang mang-agaw ng motorsiklo, kahapon sa Makati City.

Patuloy na inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng nasawing suspek na hindi nakunan ng anumang identifi­cation card. Nakilala naman ang iba pang mga nasawi na sina Fire Officer 3 Armando Buce, ng Palanan Fire Station at isang hindi pa nakikilalang pedicab driver. 

Sa inisyal na ulat ng Ma­kati police, dakong ala-1 ng hapon nang agawin ng salarin ang motorsiklo ni Buce na isa sa mga bumbero na nagba­bantay sa bisinidad ng West Tower Condominium sa Brgy. Bangkal, dahil sa gas leak. 

Pumalag umano si Buce kaya ito pinagbabaril ng sala­rin gamit ang isang sub­machine gun habang binaril din ang pedicab driver na nasa bisinidad.

Agad na pinaharurot ng salarin ang motorsiklo ngunit bumangga ito sa pagma­madali. Dito tumakbo ang salarin sa isang bahay sa may kanto ng P. Santos at Belar­mino St. at hinablot   ang may-ari ng bahay na si Reah Ang, 41, na siyang ginawang hostage.

Binitiwan naman ng salarin si Ang nang dumating ang mga rumespondeng pulis kung saan nakipagbarilan muna ito bago pumasok sa loob ng bahay. May ilang oras ang lumipas nang pasukin ng mga pulis ang bahay kung saan nakita ang salarin na wala nang buhay dahil sa tinamong mga tama ng bala.         

Hinala ng pulisya, miyem­bro ng isang sindikato ng holdap group ang salarin na nang-aagaw ng motorsiklo na ginagamit sa kanilang pang­ho­holdap.

Patuloy pa rin ang isina­sagawang imbestigasyon sa insidente.

ARMANDO BUCE

BUCE

EMSP

FIRE OFFICER

MAKATI CITY

PALANAN FIRE STATION

PATULOY

REAH ANG

SHY

WEST TOWER CONDOMINIUM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with