^

Metro

Driver ni Lacson ipiniit na sa QC jail

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Ipiniit na sa Que­zon City Jail (QCJ) ang da­ ting driver ng puganteng mambabatas na si Senator Panfilo Lacson.

Ito ang ipinalabas na ka­utusan ni  QC RTC Branch 103 Judge Jaime Salazar Jr., matapos ma­huli  ang suspek na si Reynaldo Oximoso sa Bataan.

 “We hereby commit to you the living person of Reynaldo Oximoso charged before this court of multiple murder pend­ing resolution of his cases subject to the orders of this court,” utos ni  Judge Salazar sa pa­munuan ng QCJ.

Agad namang dinala  sa QCJ si Oximoso pag­kalabas ng commitment order na inisyu ng korte.

Naaresto si Oximoso sa operasyon ng magka­samang puwersa ng Ba­taan police at military noong Nobyembre 1 sa Brgy. Binukawan, Ba­gac, Bataan alinsunod na rin sa warrant of arrest na inisyu ni Judge Salazar noong Abril 22, 1993.

Nahaharap sa ka­song murder si Oximoso at lima pang miyembro ng military intelligence group bunsod umano ng pagpatay sa limang miyem­bro ng Criminal In­vestigation and De­tection Group (CIDG) ng pulisya noong Enero 17, 1984 sa Cubao, Quezon City.

Napag-alaman na idi­nadawit din si Oximoso sa pagpaslang sa PR man na si Salvador “Bubby” Dacer at sa driver nitong si Em­manuel Corbito.

Nagsilbi si Oximoso na tagamaneho ni Lac­son mula 1993 hang­gang 2004.  

vuukle comment

ABRIL

CITY JAIL

CRIMINAL IN

JUDGE JAIME SALAZAR JR.

JUDGE SALAZAR

OXIMOSO

QUEZON CITY

REYNALDO OXIMOSO

SENATOR PANFILO LACSON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with