^

Metro

MASCO ikakalat sa MM

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Upang mabawasan ang tumataas na insidente ng krimina­lidad ngayong nalalapit na ang kapaskuhan, magdedeploy ang Philippine National Police (PNP) ng Motorized Anti-Crime Operatives (MASCO) na isasabak laban sa mga elementong kriminal sa mga dinarayong lugar sa Metro Manila. Ayon kay PNP Spokesman Sr. Supt. Agrimero Cruz Jr., ito’y dahilan sa malapit na ang bonus ng mga empleyado na target ng masasamang elemento   sa tuwing papasok ang buwan ng Disyembre. Sa tala ng PNP, mistulang mga kabuteng nagsulputan sa Metro Manila ang mga holdaper, snatcher, mandurukot kung saan ay mataas ang petty crimes sa tuwing papasok ang ber months lalo na kung Disyembre na may mga bonus na ang mga empleyado. Binigyang diin ni Cruz  na ang MASCO ang isasabak ng PNP laban sa mga motorcycle riding in tandem na mga kriminal upang mapabilis ang pagtugis laban sa mga ito. Binigyang diin nito na tiwala  si Bacalzo na magiging  matagumpay ang kampanya sa kriminalidad sa konsepto ng motorized patrol operatives na gagampanan ng PNP Public Safety Management Battalion.  

AGRIMERO CRUZ JR.

BINIGYANG

DISYEMBRE

METRO MANILA

MOTORIZED ANTI-CRIME OPERATIVES

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PUBLIC SAFETY MANAGEMENT BATTALION

SPOKESMAN SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with