^

Metro

10 pamilya naabo ang tahanan

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Tuluyang nakaranas ng kalungkutan sa Araw ng Undas ang may 10 pamilya makaraang maabo ang kanilang mga tahanan sa sunog na naganap sa Quezon City kahapon.

Ayon kay Fire Officer 1 Jesse Gealon ng Bureau of Fire Protection (BFP), nangyari ang sunog sa bahay na pag-aari ng isang Esperanza Bautista, 67, dalaga na mata­tagpuan sa may #11 P. Bau­tista St., Brgy. Pansol ganap na alas-8:34 ng umaga.

Nagsimula umano ang apoy sa may paupahang boarding house ni Bautista na matatagpuan sa ground floor nito sa hindi mabatid na kadahilanan.

Sinabi ni Gealon, nanunuluyan umano sa naturang paupahan ang isang alyas Angelo at alyas Rannie ngunit wala umano ang mga ito nang maganap ang sunog.

Sinasabing yari sa bato at kahoy ang naturang kabaha­yan, ngunit mabilis na kumalat ang apoy hanggang sa ma­damay ang kalapit bahay nito.

Umabot naman sa ikatlong alarma ang sunog bago tuluyang naapula ito ganap na alas-9:38 ng umaga.

Tinatayang nagkakahalaga ng P1.2 milyon ang napinsalang ari-arian, habang wala namang iniulat na nasaktan o nasawi dito. 

ANGELO

ARAW

AYON

BAU

BAUTISTA

BUREAU OF FIRE PROTECTION

ESPERANZA BAUTISTA

FIRE OFFICER

JESSE GEALON

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with