^

Metro

Bahay ng trader hinagisan ng granada

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Nagulantang ang ma­himbing na pagkaka­tulog ng mga residente sa isang Barangay sa lungsod Quezon matapos na su­mambulat ang isang gra­nada na inihagis umano sa bahay ng isang negos­yante dito kahapon ng umaga.

Ayon kay Insp. Arnulfo Franco, hepe ng Explosive Ordnance Division ng Quezon City Police, ganap na alas-3 ng madaling araw nang hagisan ng hindi nakikilalang suspect ang bahay ng isang Ri­chard Sy, supplier ng Auto parts sa #112 Sct. Rallos corner Jamboree Brgy. Sacred hearth sa lungsod.

Sinabi ni Franco, isang fragmentation hand grenade model MK1 na pineapple shape ang nare­kober nila sa lugar na nag­dulot ng pagkasira sa plastic roof sa garahe ng bahay ni Sy.

Base sa ulat ng Police Station 10 ng QCPD, na­tutulog ang biktima nang magulantang ito sa isang malakas na pagsabog mula sa kanyang garahe. Agad na bumangon si Sy kung saan nagulat ito nang makitang wasak ang bu­bungan ng kaniyang bahay at patay na ang kaniyang asong alaga.

Ayon kay Franco, sa pagsisiyasat na kanilang ginawa, 20 talampakan mula sa garahe natagpuan ang safety pin ng granada na nangangahu­lugan la­mang na mula dito ang layo ng taong nag­hagis ng eksplosibo.

Bukod sa aso, wala na­mang ibang nasugatan sa naturang pagsabog, ha­bang patuloy ang pagsi­siyasat ng QCPD sa na­sabing insi­dente.

ARNULFO FRANCO

AYON

BUKOD

EXPLOSIVE ORDNANCE DIVISION

ISANG

JAMBOREE BRGY

POLICE STATION

QUEZON CITY POLICE

SHY

SY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with