^

Metro

Alternatibong delivery ng gasolina inilarga

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines – Nagpatupad na ng alter­natibong sistema ng deli­very ng mga pro­ duktong petrolyo ang mga kum­panya ng langis na guma­gamit ng isinarang Ba­tangas-Pandacan pipeline upang hindi magka­roon ng kakapusan sa suplay ng gasolina lalo na’t panahon ng pagdagsa ng mga mo­torista at biyahero sa mga lalawigan ngayong Undas.

Sinabi ni Department of Energy Secretary Rene Almendras na kabilang sa gumagamit ng naturang tumatagas na pipeline ang Filipinas Shell at Chevron Philippines at ilan pang mas maliliit na kumpanya ng langis na nakabase sa Pandacan Oil Depot.

Sa kabila ng may sapat pang nakaimbak na langis sa kani-kanilang tangke, sinabi nito na lumikha na ng alternatibong plano ang mga kumpanya ng langis. 

Kabilang ang pagsus­pinde sa truck ban na ipi­natutupad ng Metro­politan Manila Development Au­thority­ (MMDA) upang mas malayang makapag­biyahe ang mga delivery truck at paggamit ng mga barges sa pagha­hatid ng langis sa Pandacan.

Matatandaan na ipina­sara ni Makati Mayor Jun­jun Binay kamakalawa ang operasyon ng pipeline ng FPIC makaraang makum­pirma ang tagas sa pipe na siyang sanhi ng pagbul­wak ng gaas sa bisinidad ng West Tower Condominium sa Brgy. Bangkal na unang namonitor noong Hulyo.

Tiniyak naman ni FPIC president Leonides Garde na pananagutan nito ang anumang pinsalang nilikha ng nakitang butas sa ka­nilang pipeline ngunit mas­yadong maaga upang pag-usapan ang danyos na idi­nulot nito at dapat tu­tukan muna ang pagku­kumpuni at paghahanap pa ng ibang posibleng butas sa tubo.

CHEVRON PHILIPPINES

DEPARTMENT OF ENERGY SECRETARY RENE ALMENDRAS

FILIPINAS SHELL

LEONIDES GARDE

MAKATI MAYOR JUN

MANILA DEVELOPMENT AU

PANDACAN

PANDACAN OIL DEPOT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with