^

Metro

Re-routing patungong sementeryo

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines – Pinayuhan kahapon ng Manila Traffic Bureau ang mga motorista sa traffic re-routing scheme sa Maynila para sa All Saints Day.

Simula alas-12 ng tanghali sa Oktubre 31 hanggang sa Nobyembre 1, isasara sa mga motorista ang kahabaan ng Aurora Blvd. mula Dimasa­lang hanggang Rizal Avenue, Blu­mentritt mula Bonifacio hang­gang P. Guevarra, Dima­salang mula Makiling hang­gang Blu­mentritt, Retiro mula Dima­salang hanggang Blu­men­tritt Ext., P. Guevarra mula Cavite St. hanggang Pampanga St. at sa Leo­nor Rivera mula Cavite hanggang Aurora Blvd.

Sa mga magtutungo sa Manila North Cemetery, mula sa Rizal Avenue at Blumentritt ay maaaring dumaan sa Cavite St. kanan sa Rivera o Isagani kanan sa Antipolo hanggang sa makarating sa sementeryo.

Habang ang mga magmu­mula sa Quezon, maaring du­maan sa Retiro, kaliwa sa Blu­mentritt at kaliwa sa Makiling.

Sa mga patungong La Loma at Chinese cemeteries, maaring dumaan mula sa España pa­tungong Lacson, Tayuman, Blu­mentritt mula sa Cavite hang­gang Aurora Blvd. bago diretso sa Rizal Avenue o kaya ay sa Jose Abad Santos Avenue.

Lahat naman ng mga sa­sakyan na magmumula ng Quiapo, Sta. Cruz, Tondo at Ca­loocan ay kailangang dumaan sa Jose Abad Santos o kaya ay sa Rizal Avenue extension.

ALL SAINTS DAY

AURORA BLVD

BLU

CAVITE

CAVITE ST.

DIMA

GUEVARRA

JOSE ABAD SANTOS

MULA

RIZAL AVENUE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with